Tuesday, 18 November 2008

ANG KAKILALA KONG PAMILYA(Pangalawang Bahagi)

Naaalala pa ba ninyo ang ANG PAMILYANG ITO? Ipagpaumanhin po ninyo na isusulat ko ito sa ating ng wika. Alam ko pong hindi mabuting pag-usapan ang personal na buhay ng ibang tao, dala ng naumpisahan ko na at may katungkulan akong tapusin, akin pong itutuloy at naway kapulutan po natin ng aral ang ilang bahagi nito. On the lighter side, hayan, 'justified' na kung bakit ko sisimulan ang pahinang ito(lol).

Simula nong nakaraang Linggo, ewan ko kong matutuwa ako o hind, binabasa na po nila(mga pangunahing tauhan ng kwento) ang blog na ito.

Natapos na ang 'internship' ng anak nyang babae kaya s'ya ay bumalik sa Venice. Napagkasunduan ng hiwalay na mag-asawa(mas ang babaeng ex ang nagdesisyun) na dalawang Linggo sa Tatay at dalawang Linngo sa nanay si Geli(itago natin sya sa pangalang ito). Dahil sa wala pang desi otso ang dalaga, kailangang tumira pa s'ya mga magulang.

Ang ex na babae, na atin ding itatago sa pangalang Mina, ay pinapag-aral ng kanyang kumpanya ng computer kaya kada katapusang dalawang Linggo ng buwan, andito sya sa Venice at sa kanya tutuloy si Geli. Pagkatapos naman ng dalawang Linggo, dahil si Mina ay babalik sa trabaho, agad namang lilipat sa ama, na ating tatawaging Dave, ang kanilang anak na babae.

Kung pano ko nakilalala ang pamilyang ito ay sa pamamagitang ng dating titser ni Boogs sa Italyano na ng lumaon ay naging amo nya at sya rin ang may-ari ng dati naming tinitirhan. Andito ang karagdagang isinulat ni Boogie tungkol sa gurong ito: First Meeting at The Male House Maid.

Wala pa kaming legal na permit of stay dito nung sinabi ni Rebecca(English teacher) na may kaibigan syang nangangailangan ng tagapalinis ng bahay nya twice a week. Magdadalawang taon pa lang si Lukie noon, tinanggap ko ang alok at ito. Isa sa mga ipinagpapasalamat kong nangyari sa amin dito sa Italya. Na maging bahagi ng kwento ng pamilyang ito at vice-versa, na sila'y maging bahagi rin ng istorya ng pakikipagsapalaran namin sa bansang ito.

Maalala ko noong ako'y magsimulang magtrabaho sa kanila, mas matangkad pa ako kay Geli(considering maliit na ako ha) at si Mario(anak na lalaki) ay pilit akong kinakausap ng Eglish para mapractice nya ang mga natutuhan n'ya kay Rebecca. Unang raw ko pa lang ay nakita kong swerte ko sa kanila kasi magagalang ang mga anak at halos wala akong ginawa dahil tinapos na ng nanay ang mga dapat gawin.


Kalimitan, ang mga bata dito ay kulang sa kabutihang asal at ang mga Venitsyano ay isa sa mga 'worst' na rasista. Buti na lang ang pamilyang ito ay galing sa Padova(another province of Italy) na maraming iba't ibang lahi ang naninirahan gawa ng malapit ito sa France at maraming estudyante ng mga karatig bansa ang dito'y nag-aaral ng Italyano.

Dahil wala pa kaming 'permit of stay' noong mga unang taon namin dito, hindi kami intitled sa health care benefits katulad ng libreng doctor at murang gamot. Bawal pa sa mga doktor na pagsilbihan ang mga "walang papel" at kung sila'y mahuhuli, marerevoke ang doctor's license nila at mamumulta pa ng napakalaking halaga.

Buti na lang nung namasukan ako kina Mina, ibinaba ang amnesty at tinulungan ako ng pamilyang ito at si Rebecca na rin, na mabigyan ng papel. Si Lukie ay ipinasok ko na sa Day Care at ako nama'y nagtraho na ng full time. Laging nagkakahawaan ang bata sa 'Asilo'(tawag sa daycare)kaya laging may sakit si Lukie sa mga unang taon nyang nagstay doon.

May ibinigay na pediatrician kay Lukie (bawat bata ay may naka assign na pedia. Bigay ng gobyerno na kasali sa malaking tax na binabayaran ng amo o kinakaltas sa aming sweldo). Napaka walang malasakit ang doktor na ito at hindi man lang sya nalarma na isang buwan ng laging may lagnat si Lukie. Sabi n'ya, normal daw sa winter at sa unang taon ng maga batang nasa 'asilo' kaya basta na lang bibigyan kami ng anti-biotic.



Pasko ng 2004, dahil pumunta si Rebecca sa England, pinatira kami sa bahay nya(with pay) para bantayan at ilabas ang dalawang aso nila. Hapon ng 24, lahat ng doctor ay on leave na dahil pasko. Nilalagnat pa rin si Lukie pagkatapos ng 4 na klaseng anti-biotic na pinagpalit-palit ng pediatrician nya. Wala talaga kaming matawagang doktor kaya ang ginawa ni Mina, pumunta sya bahay mismo ng dating pediatrician ng kanyang mga anak at na ring sa buzzer nila..... ITUTULOY...

5 comments:

Anonymous

Hehehehehe... Kasla komiks ngay, Manang! :D Addict pa naman ako before. Waiting for the next installment hihihihi...

lovelyn

Ciao Layad,

Me too, adik kami met idi ti Hiwaga, Espasyal, Pilipino ken Aliwan hahahah....

Anonymous

mabalin sa ng iteleserye daytoy... italianovela.

lovelyn

Hahaha Izma,

Mati-threaten ang Korean films nyan sister!

Anonymous

Resources like the one you mentioned here will be very useful to me! I will post a link to this page on my blog. I am sure my visitors will find that very useful.

Blogger template 'PurpleRush' by Ourblogtemplates.com 2008